
Mula sa pagiging railway engineer, matagumpay na nakapasok sa mundo ng panitikan ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Ariel Delos-Reyes matapos mailathala ang kanyang kauna-unahang fiction novel na pinamagatang “The Hidden Alignment.”
Si Delos-Reyes, 52, ay mahigit dalawang dekada nang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang electrical engineer at railway consultant, kabilang sa Malaysia, Saudi Arabia, England, at Estados Unidos.
Ayon sa kanya, ang kanyang karanasan sa railway industry at buhay bilang isang Pilipino sa ibayong dagat ang naging inspirasyon sa pagsulat ng nobela.
Umaasa rin si Delos-Reyes na makakarelate ang kapwa OFWs sa mga temang tinalakay sa kanyang akda, lalo na ang usapin ng pagkakakilanlan at mga karanasang hinaharap sa bagong bansang tinitirhan.










