Pitong Filipino crew member ng mga cruise ship ang inaresto ng US Customs and Border Protection (CBP) sa Boston at agad na ipinatapon pabalik sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Embassy sa Washington, kinuha ang pitong seafarers mula sa magkakaibang cruise ship na dumaong sa Boston noong Oktubre 5.

Hindi pa inilalabas ng CBP ang kanilang mga pangalan, posisyon sa barko, at partikular na dahilan ng deportasyon.

Bahagi ito ng Operation Tidal Wave na nakatuon sa pagpapatupad ng batas laban sa possession o distribution ng child sexual abuse and exploitation material.

Mula Agosto, nasa 87 foreign cruise ship crew na ang inalis sa Port of Boston, kabilang ang 15 Filipino seafarers na naunang inaresto at ipinatapon sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --