Asahan ang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, ang oil price hikes at base sa fou-day international trading.

Humigit-kumulung na P.10 per liter ang dagdag sa gasolina, P.85 per liter sa Diesel, at P.45 per liter sa kerosene.

Sinabi ni Romero na ang price adjustments bunsod ng pagkagambala ng suplay sa Estados Unidos ng hanggang dalawang milyong bariles bawat araw sa output bunsod ng nagyeyelong panahon doon.

Binanggit din niya ang mabagal na pagbangon ng Tengiz field ng Kazakhstan bunsod ng sunog at power issue; ang tumataas na Iran risk premium, at ang polisiya ng OPEC+ na itigil muna ang output hikes.

-- ADVERTISEMENT --