Kinuwestiyon ng Office of the Ombudsman ang sinabi ni Senador Loren Legarda na mayroon siyang “malubhang karamdaman” habang patuloy ang kaniyang medical leave sa ibang bansa.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, mas mainam sanang isang medical leave lamang ang hiniling ni Legarda kung talagang malubha ang kaniyang kondisyon, sa halip na paulit-ulit na palawigin ang pananatili sa ibang bansa.

Napansin din ng Ombudsman na parehong nasa ibang bansa si Legarda at ang kaniyang anak na si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, na umano’y nagdagdag sa kanilang pagdududa.

Nanawagan si Clavano kay Legarda na umuwi muna sa bansa upang makatulong sa paglilinaw ng mga alegasyon kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga solar project, at maipaliwanag sa publiko ang mga isyung kinakaharap ng senadora.

-- ADVERTISEMENT --