
Muling naghain ng medical leave si Senadora Loren Legarda noong Oktubre 12 at 13, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr.
Ayon kay Bantug, wala pang bagong medical leave na inihahain si Legarda para sa natitirang bahagi ng Oktubre at sa Nobyembre.
Matatandaang una nang naghain ng medical leave ang senadora noong Agosto.
Nauna nang sinabi ni Senate President Win Gatchalian na seryoso ang karamdaman ni Legarda, ngunit tumanggi siyang ibunyag ang detalye nito.
Samantala, ibinahagi naman ni Senador Ping Lacson na batay sa kanilang pag-uusap, may problema sa baga ang senadora.
-- ADVERTISEMENT --








