Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na malapit nang matapos ang fact-finding investigation ng kanyang tanggapan laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects.

Ayon kay Remulla, halos handa na ang kaso para sa preliminary investigation matapos ayusin ang mga detalye at ebidensyang isasama sa reklamo.

Sinabi rin ng Ombudsman na kailangang maging buo at kapani-paniwala ang kaso upang matiyak ang matibay na paghaharap nito laban sa mga posibleng depensa.

Matatandaang sinabi ng Ombudsman na maaaring makatulong ang testimonya ni dating Public Works Secretary Manuel Bonoan bilang state witness sa pagpapatibay ng kaso laban kay Romualdez.