
Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nilagdaan na niya ang dismissal order laban kay dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, na kasalukuyang suspendido kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13, 2026.
Ayon kay Remulla, matagal na niyang nilagdaan ang dismissal order at inaasahang ilalabas na ito anumang oras.
Sinabi rin niyang kinakailangang tanggapin ni Aplasca, na isang two-star general, ang naturang kautusan alinsunod sa kapangyarihan ng Office of the Ombudsman.
Si Aplasca ay una nang pinatawan ng anim na buwang preventive suspension without pay habang iniimbestigahan ang umano’y papel niya sa kontrobersiyal na insidente na sinasabing naging diversion upang makatakas si Senador Ronald Dela Rosa.









