Plano ng Ombudsman na gawing state witness si dating Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Manuel Bonoan kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa umano’y kickback sa flood control projects ng pamahalaan.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, mayroon nang kasunduan para makipagtulungan si Bonoan sa imbestigasyon.

Dahil dito, hihilingin nila sa Sandiganbayan na ma-discharge siya bilang akusado upang makapagbigay ng testimonya bilang state witness.

Si Bonoan ay nahaharap sa kasong plunder na may kinalaman sa umano’y P573 milyong kickback sa mga flood control projects.

Kabilang din sa mga kapwa niyang akusado si Senator Jinggoy Estrada at ilang opisyal ng DPWH.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa kasong plunder, kapwa rin silang nahaharap sa dalawang kasong graft na kasalukuyang dinidinig ng Sandiganbayan.

Patuloy naman ang pag-usad ng mga kaso habang hinihintay ang magiging desisyon ng korte sa kahilingan ng Ombudsman.