
Muling nakatanggap ang Office of the Vice President o OVP ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit para sa calendar year 2025, ang pinakamataas na audit opinion na maaaring ibigay ng state auditors.
Batay sa 2025 Annual Audit Report ng COA, maayos at patas na naipakita ng OVP ang kanilang financial statements alinsunod sa umiiral na accounting at financial reporting standards. Iniulat din ng tanggapan na umabot sa 92.32 porsiyento ang budget utilization rate nito para sa 2025.
Ayon sa OVP, ito na ang ikaapat na magkakasunod na taon na nakatanggap ito ng unmodified opinion sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte. Ang unmodified opinion ay nangangahulugang walang nakitang material na problema ang COA sa presentasyon ng financial statements ng isang ahensya ng pamahalaan.










