Narekober sa tatlong abandonadong travelling bags at isang zip-lock transparent plastic bag ang P1.4 milyon na halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Una rito, nakatanggap ng tawag mula sa isang residente ng barangay Poblacion ang Lubuagan Municipal Police Station na mayroong mga inabandonang marijuana.

Agad na nagtungo sa lugar ang kapulisan kung saan positibong narekober ang 10 tubular marijuana at plastic bag na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at tumitimbang ng humigit kumulang 12,000 na gramo.

Kabilang sa mga nakuhang ebidensya ang isang brown, asul, at itim na bag, pati na rin ang iba’t ibang damit.

Inutusan na ni Kalinga PPO Provincial Director PCol Gilbert Fati-ig ang kapulisan na magsagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy ang mga indibidwal na nag-abandona sa mga narekober na marijuana.

-- ADVERTISEMENT --