
Huli ang dalawang Indian national sa Laguna kaninang madaling araw sa isang operation, kung saan nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit P233 million na halaga ng pinaghihinalaang cocaine, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nahuli ang mga suspek sa Villa de Calamba, Barangay La Mesa, Calamba City sa buy-bust operation na isinagawang kaninang 2:30 a.m.
Nakuha ng mga awtoridad ang nasa 44 kilograms ng pinaghihinalaang cocaine na may street value na P233.2 million.
Ayon sa PDEA, ang dalawang kilograms ng nasabing iligal na droga ay inilagay sa brown paper bag, habang ang nalalabing 42 kilograms ay nakalagay sa isang kahon.
Isinasailalim na sa forensice examination sa laboratoryo ng PDEA ang nasabing pinaghihinalaang cocaine.
Nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang Indian national at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










