Epektibo na simula ngayong Setyembre 26 ang P60 dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa National Capital Region o NCR.

Ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE, mula P695 ay magiging P755 kada araw ang minimum wage ng mga manggagawa sa non-agricultural sector.

Samantala, tataas naman mula P658 tungo sa P718 kada araw ang minimum wage para sa mga nasa agriculture, mall retail at service establishments na may 15 o mas kaunting manggagawa, at maliliit na manufacturing establishments na regular na may mas mababa sa 10 empleyado.

Tinatayang 1.1 milyong minimum wage earners sa NCR ang makikinabang sa Wage Order No. NCR-28.

Inatasan naman ng DOLE ang mga employer na mahigpit na ipatupad ang bagong wage rates at tiyaking na-update ang kanilang payroll at compensation systems.

-- ADVERTISEMENT --