
Pag-aaralan muna nang mabuti ng pamahalaan ang pagtanggal ng system loss charges at kaukulang VAT sa singil sa kuryente bago tuluyang ipatupad, ayon sa Malacañang.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, isinasailalim pa sa masusing pag-aaral at konsultasyon ang panukala upang matiyak na hindi ito magiging pabigat sa mga konsyumer, mamumuhunan, at mga kompanya ng kuryente.
Ginawa ni Castro ang pahayag matapos kuwestiyunin ni Meralco Chairman at CEO Manuel Pangilinan kung sino ang sasagot sa gastos sakaling alisin ang system loss charges sa bayarin ng mga mamimili.
Sinabi rin ng Palasyo na patuloy na sinusuri ng Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC), at iba pang ahensya ang mga kinakailangang pagbabago sa regulasyon at batas upang mapababa ang singil sa kuryente.










