
Itinaas na ng Pag-IBIG Fund sa hanggang P10 milyon ang pinakamataas na halaga ng housing loan kada borrower bilang bahagi ng pagpapalawak ng access sa home financing para sa mas maraming Pilipino.
Ayon sa Pag-IBIG Fund, layunin ng hakbang na matulungan hindi lamang ang mga nasa socialized housing segment kundi maging ang mga middle-income at higher-earning workers na nais magkaroon ng sariling bahay.
Mananatili namang nakabatay ang approval ng loan sa kakayahang magbayad, credit evaluation, appraisal ng property, at iba pang guidelines upang matiyak ang responsable at maayos na pagpapautang.
Sinabi rin ng ahensya na maaaring bayaran ang housing loan nang hanggang 30 taon, habang ang interest rate ay maaaring magsimula sa 5.75% kada taon depende sa napiling fixing period ng borrower.






