
Iniulat ng Pag-IBIG Fund ang ₱16.772 bilyong net income nito sa unang quarter ng 2026, mas mataas ng 11% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa ahensya, tumaas ang kita dahil sa mas malakas na koleksyon at tuloy-tuloy na kita mula sa housing loans, short-term loans, at investment portfolio.
Samantala, lumobo rin ng 51% ang investment income na umabot sa ₱3.033 bilyon, mula sa ₱2.013 bilyon noong nakaraang taon.





