
Nananatiling nangunguna si Vice President Sara Duterte laban kay Naga City Mayor Leni Robredo sa isang hypothetical two-way race para sa 2028 presidential election, ayon sa pinakabagong Pulse Asia survey na kinomisyon ng Stratbase Group.
Nakakuha si Duterte ng 51% kumpara sa 41% ni Robredo, habang 8% ng mga respondent ang undecided o tumangging pumili ng kandidato.
Sa vice presidential survey, nanguna naman si Senator Erwin Tulfo na may 46%, laban sa 38% ni Senator Robin Padilla.










