TUGUEGARAO CITY-Gagawing isa sa mga requirement ng Local Government Unit(LGU)-Tuguegarao sa mga empleyado ng LGU na kabisaduhin ang Tuguegarao Hymn bago ang promotion.

Ito ay kasunod sa naging obserbasyon ng mga miembro ng konseho ng Tuguegarao na iilan lamang ang kumakanta ng Tuguegarao Hymn lalo na ang Ybanag version sa tuwing flag raising ceremony.

Ayon kay Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City, mismong si Vice Mayor Bienvenido De Guzman ang nagparating sakanya ang naturang obserbasyon kung kaya’t gagawin na niya itong requirement sa lahat ng mga mapo-promote.

Aniya, kakanta mismo ang naturang empleyado ng Tuguegarao Hymn sa kanyang harapan para matiyak na kabisado nito ang lyrics.

Sinabi ni Soriano, obligasyon ng bawat empleyado na kabisaduhin ang Tuguegarao Hymn dahil ito ay dapat na ipinagmamalaki.

-- ADVERTISEMENT --