
Iginiit ng National Bureau of Investigation (NBI) na nilabag ni Vice President Sara Duterte ang tiwala ng publiko nang bantaan nito sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sa isang online press conference noong 2024.
Sa ikalimang araw ng impeachment trial, sinabi ni NBI-BARMM Regional Director Atty. Jeremy Lotoc na ang naturang pahayag ay hindi saklaw ng freedom of speech dahil umano’y tumutugon ito sa mga elemento ng kasong grave threats.
Ayon kay Lotoc, mapanganib na gawing katanggap-tanggap ang ganitong uri ng pahayag mula sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa dahil maaari itong magdulot ng kaguluhan at anarkiya.
Idinagdag niyang ang mga naging pahayag ni Duterte ay maituturing ding paglabag sa public trust, isa sa mga batayan ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente.










