Maglulunsad ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng isang application bago matapos ang taon na magbibigay-daan sa mga manlalaro na gumamit lamang ng mga lisensiyado at reguladong online gaming platform.

Ayon kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, layunin ng app na makatulong sa paglaban sa ilegal na online gaming at maprotektahan ang mga manlalaro laban sa mga panganib ng hindi reguladong platforms.

Sa pamamagitan nito, mas madali umanong matutukoy ng mga manlalaro kung aling gaming sites ang awtorisado ng PAGCOR at may mga kinakailangang safeguards at regulatory requirements.

Sinabi rin ni Tengco na may mekanismo ang mga lisensiyadong operator para sa mga manlalarong nais maghain ng reklamo o humingi ng aksyon kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Ayon sa PAGCOR, tinatayang kalahati ng mga online gaming sites na ina-access sa Pilipinas ay ilegal. Philippine Amusement and Gaming Corporation

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ng ahensya, bahagi ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang mahikayat ang publiko na lumipat sa mga lehitimo at reguladong gaming platforms.