Malaki ang pagbaba sa electronic gaming sector ang nagtulak sa paghina ng gaming revenues ng Pilipinas sa unang quarter ng 2026, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Bumagsak ng 15.87% ang kabuuang gross gaming revenues (GGR) ng bansa sa P87.60 bilyon mula sa P104.12 bilyon noong kaparehong panahon noong 2025.

Kabilang sa mga nagtala ng malaking pagbaba ang E-Games, E-Bingo, bingo, at poker na may pinagsamang 22.43% na year-on-year decline.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, nakaapekto sa paggastos ng mga manlalaro ang mataas na inflation at tensyon sa Middle East fuel crisis.