Tututukan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang talamak na paggamit ng jumper o ilegal na koneksyon ng kuryente sa lungsod upang mabawasan ang system loss at maiwasan ang mga posibleng sunog.

Nakipagpulong ang lokal na pamahalaan sa Manila Police District (MPD) at Meralco para matukoy at mapigilan ang mga iligal na koneksyon.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, bukod sa ilegal ang pagnanakaw ng kuryente, isa rin itong panganib sa kaligtasan ng mga residente.

Samantala, sinabi ng Meralco na ilan umanong opisyal ng barangay ang gumagamit din ng jumper sa kanilang mga tahanan at may ilan pang humahadlang sa operasyon ng pagtanggal ng mga ilegal na koneksyon.

Hiniling din ng alkalde sa Meralco na aksyunan ang mga sirang poste ng kuryente sa Maynila upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

-- ADVERTISEMENT --