Naniniwala si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na walang dapat maging balakid sa pag-transmit at pagtanggap ng Articles of Impeachment sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Adiong, hindi dapat makaapekto ang pagbabago sa pamunuan ng Senado sa pagtupad ng mga senador sa kanilang tungkulin na itinakda ng Konstitusyon.

Ginawa ng kongresista ang pahayag kasunod ng pagkakahalal kay Senator Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President.

Dagdag pa niya, mahalagang maipagpatuloy ang impeachment process anuman ang maging pagbabago sa liderato ng Mataas na Kapulungan.