Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino na sa darating na July 25 ay tuloy-tuloy na ang pagpapatupad ng dagdag-sahod para sa mga minimum wage earners.

Ito’y matapos maantala ang pagpapatupad nito na sana ay noong July 19.

Paliwanag ni Sec. Tolentino, naantala ang publication hinggil sa nasabing wage hike na isa sa mga pangunahing proseso ng DOLE.

Aniya, sisimulan ang wage hike sa National Capital Region (NCR) bago ipatupad sa Region-4A, Region-7 at Central Luzon.

Matatandaan na uunahin ang ₱60 na dagdag sa mga minimum wage na trabahador saka isusunod ang dagdag na ₱25 sa 2027.

-- ADVERTISEMENT --