
Nagpahayag ng matinding kalungkutan ang Palo Archbishop John Du matapos ang naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi at ikinasugat ng ilang katao.
Ayon sa arsobispo, ang Archdiocese of Palo ay “labis na nagulat at nagluluksa” sa tinawag niyang “horrific act of violence” na nagdulot ng trahedya sa komunidad ng paaralan.
Nagpaabot din siya ng panalangin at pakikiramay sa mga biktima, kanilang pamilya, at sa lahat ng apektado ng insidente, habang nanawagan ng pagkakaisa upang maiwasan ang mga kahalintulad na pangyayari sa hinaharap.
Giit pa niya, mahalagang suriin ang pagpapalalim ng mga pagpapahalaga at gabay sa kabataan bilang tugon sa ganitong uri ng karahasan.









