TUGUEGARAO CITY-Pagpapakita umano nang pambubusabos at pagwawalang-hiya sa ating bansa ang ginawang pagbangga at pag-abandona ng chinese fishing vessel sa bangka ng mangingisdang pilipino sa Recto Bank sa bahagi ng West Philippine sea.

Ayon kay Congressman Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna Party-list,hindi na umano pakikipagkaibigan ang intensyon ng bansang China kundi pagpapakita ng kawalan ng respeto sa ating soberanya.

Dahil dito, kinokondena ng bayan muna maging at buong makabayan block ang ginawa ng mga mangingisdang chino maging ang pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa nasabing usapin.

Sinabi ni Zarate, nakakapanggalit umano ang nakakabinging katahimikan ng pangulo sa nasabing usapin gayong buhay na ng mga pilipino ang nakasalalay.

Kaugnay nito, nanawagan si Zarate na dapat ipaglaban ng mga namumuno sa bansa ang karapatan ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Dapat aniya ay tulungan ang mga biktimang mangingisda na magsampa ng kaso laban sa mga mangingisdang chinese para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mga ito.

Bukod dito, dapat rin umanong ipanawagan ng bansa sa bansang China na isuko ang mga mangingisdang chinese na nagtangkang pumatay sa mga pilipinong mangingisda para harapin ang kanilang ginawa.