
Ayon kay dating Senador Sonny Trillanes, umano’y nakatanggap si Vice President Sara Duterte ng mahigit P22 milyon mula sa sinasabing drug lord na si Sammy Uy noong siya pa ang mayor ng Davao City.
Samantala, si dating Pangulong Rodrigo Duterte naman ay umano’y nakatanggap ng mahigit P15.6 milyon mula kay Uy, at si Davao City Mayor Baste Duterte ay umano’y nakatanggap ng P51.5 milyon.
Si 1st District Davao City Rep. Paolo Duterte naman ay umano’y nakatanggap ng mahigit P38.8 milyon.
Sa kabuuan, mahigit P181 milyon ang natanggap ng pamilya.










