Iginiit ni Office of the Vice President spokesperson Atty. Salvador Paolo Panelo Jr. na nabigo ang kampo ng prosekusyon na patunayan ang pagkakasala ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Sa isang pahayag nitong Sabado, Nobyembre 7, pinuna ni Panelo ang mga pahayag ng prosekusyon at iginiit na kailangang mapatunayan ang mga alegasyon sa pamamagitan ng malinaw at matibay na ebidensiya sa hukuman.

Samantala, itinanggi nina House Prosecutor Rep. Terry Ridon at legal spokesperson Atty. Jay Tolosa ang pahayag ni Panelo, at iginiit na hindi maituturing na bigo ang prosekusyon dahil tinanggap ng Senate Impeachment Court ang kanilang mga ebidensiya.

Magpapatuloy ang impeachment trial mula Nobyembre 9 hanggang 23, kung saan ilalatag naman ng kampo ng depensa ang kanilang mga testigo at ebidensiya.