Tiniyak ng Malakanyang na may mananagot sa nangyaring insidente ng pagguho ng Cabagan-Sta. Maria bridge sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbestigasyon sa pagbagsak ng nasabing tulay na bagong retrofitted at nagkakahalaga ng P1.2278 bilyon.

Dagdag pa ni Castro, na kung mapapatunayan na may bahid ng korapsyon ay dapat na mayroong managot at makulong dahil hindi lang ito ordinaryong kaso.

Maswerte na lamang aniya na walang namatay sa nasabing pagguho, pero anim katao ang iniulat na nasugatan kaya dapat din alamin kung ito ay isolated case lamang o kailangan din inspeksyunin ang iba pang tulay dahil baka hindi lang ito ang nag-iisang tulay na mahina.

Naniniwala rin si Castro na dapat din alamin kung ang mga ginamit na materyales sa paggawa ng nasabing tulay ay substandard.

-- ADVERTISEMENT --