Photo credit: Allacalapan Drrmo

TUGUEGARAO CITY-Nagbigay ng abiso ang PNP-Allacapan sa mga motorista na pnasamantalanag iwasan ang pagdaan sa pangunahing lansangan ng Brgy Dagupan, Centro east maging ang Brgy Daan ili sa bayan ng Allacapan.

Ito’y matapos maabot ng tubig baha dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan na pinalakas ng bagyong “Quiel”.

Ayon kay Police Capt . Nestor Pascual, hepe ng PNP-Allacapan , kung walang pupuntahang importante ay manatili na lamang sa kanilang mga tahanan para makaiwas sa anumang insidente.

Kaugnay nito, sinabi ni Pascual na nakahanda ang kanilang hanay na magsagawa ng pag-evacuate sa mga residente lalo na ang mga nasa mababang lugar.