Bumagsak sa pinakamababang antas mula pa noong Agosto 2022 ang mga pangunahing policy rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas matapos itong magbawas muli ng 25 basis points ngayong Huwebes.

Ito na ang ikaanim na sunod-sunod na pagkakataon na nagpatupad ng interest rate cut ang Monetary Board bilang bahagi ng nagpapatuloy na policy easing cycle.

Sa pinakahuling bawas, nasa 4.25% na ang target reverse repurchase rate, 3.75% ang overnight deposit rate, at 4.75% naman ang overnight lending rate.

Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., ginawa ang hakbang dahil nananatiling kontrolado ang inflation sa bansa, kahit may inaasahang bahagyang pagtaas bunsod ng ilang isyu sa suplay.

Iginiit din ng opisyal ang kanilang kumpiyansa na mananatiling matatag ang ekonomiya sa mga susunod na taon.

-- ADVERTISEMENT --