
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm na may international name na Haishen at lokal na pangalang Josie, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,090 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 kilometro kada oras, habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na hindi inaasahang magdudulot ng direktang epekto sa bansa ang bagyo.
Posible rin umano itong mabilis na makalabas ng PAR at humina bilang isang low pressure area (LPA).
-- ADVERTISEMENT --










