Sinagot na ni dating House Speaker Martin Romualdez ang mga reklamong isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, isinama ni Romualdez sa kanyang counter-affidavit ang sinumpaang pagbawi ng pahayag ng apat sa 18 “maleta boys.”

Gayunman, sinabi ni Clavano na wala pa sa Ombudsman ang opisyal na kopya ng mga recantation at nakalakip lamang ang mga ito sa counter-affidavit ni Romualdez.

Nasa preliminary investigation pa ang kaso, kung saan inaakusahan sina Romualdez at Co ng umano’y magkakaugnay na hakbang sa pag-iipon ng tinatayang ₱56 bilyong ill-gotten wealth mula 2022 hanggang 2025.

-- ADVERTISEMENT --