Umakyat na sa walo ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Binaliw landfill sa Cebu City, ayon kay Cebu City Mayor Nestor Archival.

Sinabi ni Archival, nasa 28 indibidwal ang patuloy pa ring pinaghahanap.

Samantala, mayroong 18 katao ang nasa ospital kasunod ng insidente.

Ang landslide ay naganap sa waste management facility ng Prime Waste Solutions Cebu sa Barangay Binaliw, Huwebes noong nakaraang linggo.

Samantala, sinabi ni Archival na nababahala ang mga pamilya sa mabagal na rescue operation, ngunit ipinaliwanag niya na ang pagmamadali ay mas magdudulot pa ng lubhang panganib sa mga na-trap na indibiwal at mga rescuer.

-- ADVERTISEMENT --