
Ginawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Presidential Citation si Filipina tennis star Alex Eala bilang pagkilala sa kanyang makasaysayang kampanya sa Wimbledon, sa isang espesyal na homecoming reception sa Malacañang.
Ayon sa Pangulo, ipinakita ni Eala ang husay, determinasyon at pinakamahusay na katangian ng mga Pilipino sa loob at labas ng tennis court.
Tiniyak din niya ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa karera ng batang atleta.
Naging magaan din ang programa nang aminin ni Marcos na isa siyang tagahanga ni Eala at nagbiro pang “inimbento lang” nila ang pagtitipon upang makapagpa-picture kasama ang Pinay tennis star.
Kinilala rin ng Pangulo ang naging sakripisyo ng mga magulang ni Eala sa pagsuporta sa kanyang pangarap.
Bilang pasasalamat, nagbigay naman si Eala ng cap at pirmadong tennis ball sa First Couple at nangakong patuloy niyang ipagmamalaki ang Pilipinas sa mga internasyonal na torneo.









