Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y pananakit ng China Coast Guard sa mga sundalong Pilipino na nagsasagawa ng misyon sa BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, suportado ng Pangulo ang naging pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND), at Armed Forces of the Philippines (AFP) na mariing kumokondena sa insidente.

Iginiit din ng DFA na hindi katanggap-tanggap ang anumang karahasan laban sa mga Pilipinong tauhan at ito ay sasailalim sa kaukulang diplomatic action.

Binigyang-diin din ng Palasyo na patuloy na ipaglalaban ng pamahalaan ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa mapayapang paraan at hindi sa pamamagitan ng dahas.