TUGUEGARAO CITY-Hinamon ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) ang mga bagong halal na opisyal na labanan ang illigal na droga sa mga nasasakupang lugar.
Ayon kay Col. Ricardo Santiago ng PDEA, dapat tutukan ng mga uupong lider ang pagsugpo sa illegal na droga para maprotektahan ang mga kabataan.
Aniya, kinakailangan gumawa ng paraan ang mga opisyales para matigil ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa illegal na droga
Sa ngayon umano kasi ay nakakaalarma na ang bilang ng mga kabataan na nasasangkot sa droga kung saan ay pabata na ng pabata.