Ipinahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay hindi political harassment kundi isang lehitimong proseso sa ilalim ng Konstitusyon upang tiyakin ang pananagutan ng matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa obispo, pagkakataon din ang impeachment para malinaw na maipagtanggol ng Bise Presidente ang sarili at mapatunayan ang kanyang panig sa pamamagitan ng due process sa harap ng publiko.

Nanawagan din si Bagaforo na hayaang umusad ang proseso nang payapa, patas, at transparent habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng accountability at transparency upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa gobyerno.