TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ni Harvey Calilong ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Kalinga na hindi related sa bagyong Falcon ang pagkamatay ng isang lalaki.

Una rito, aksidenteng nahawakan ng biktima na si AlchIen Lallayan ng Nambaran, Tabuk City ang open wire habang inaayos ang kanilang bubong bilang paghahanda sa bagyong Falcon.

Sinubukan pang isugud sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umasikasong duktor.

Ayon kay Calilong, hindi umano maituturing na may kaugnayan sa bagyo ang pagkamatay ng biktima dahil dati ng mayroong open wire sa lugar ngunit hindi lamang napansin.