
Bahagyang lumakas ang Philippine peso laban sa US dollar noong Miyerkules, kasunod ng pagluwag ng tensyon sa pagitan ng United States at Iran sa Middle East.
Nagtapos ang piso sa P61.305 kada dolyar, mas malakas ng 24.5 sentimo kumpara sa P61.55 noong Martes.
Ayon sa mga ekonomista, ang paggalaw ng piso ay bunsod ng mga pahayag ng US at Iran na may pag-usad ang negosasyon para sa posibleng kasunduan na maglalayong tapusin ang sigalot.
Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort na nakaapekto sa palitan ng salapi ang mga pahayag ni US President Donald Trump tungkol sa “makabuluhang progreso” sa usapang pangkapayapaan.
Dagdag pa rito, sinabi rin ng mga economic analyst na may tulong sa piso ang inaasahang pagtaas ng remittances mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa mga susunod na buwan, lalo na sa panahon ng pagbabayad ng tuition fees.
Ayon naman sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ang paggalaw ng piso ay dulot ng mga panlabas na salik at hindi lamang ng lokal na ekonomiya, dahil marami ring emerging markets ang nakararanas ng katulad na pressure.
Giit pa ng mga eksperto, sa gitna ng pandaigdigang uncertainty, nananatiling “safe haven” ang US dollar kaya ito ang mas pinipili ng mga investors.
Naitala ng piso ang panibagong intraday low na P61.75 kada dolyar noong Abril 30 at record closing low na P61.567 noong Abril 29.








