Muling bumagsak ang halaga ng piso laban sa US dollar at nagsara sa ₱62.565:$1 nitong Miyerkules—ikaapat na magkakasunod na araw na nagtala ito ng bagong record low.

Ayon sa mga ekonomista, isa sa mga nagtulak sa paghina ng piso ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, kasunod ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng United States at Iran.

Kasabay nito, bumagsak din ang Philippine Stock Exchange index o PSEi ng 0.67%, dahil sa pangamba ng mga investor sa patuloy na paghina ng piso at pagtaas ng presyo ng langis.