
Muling humina ang piso at nagsara sa P61.71 kada US dollar nitong Martes, Hulyo 14, halos katumbas ng pinakamahinang antas nito na P61.75 na naitala noong Mayo.
Ayon sa mga economic analyst, naapektuhan ang piso ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado bunsod ng panibagong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran at ng usapin sa Strait of Hormuz.
Bagama’t humina ang piso, sinabi ng mga analyst na nananatiling kontrolado ang galaw ng palitan sa pamamagitan ng mga hakbang upang mabawasan ang matinding pag-ugoy ng exchange rate.










