
Mas pinalalim pa ng Pilipinas at Canada ang kanilang ugnayan matapos ianunsyo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney ang pag-angat ng relasyon ng dalawang bansa sa Strategic Partnership.
Kasunod ito ng bilateral meeting ng dalawang lider sa Vancouver, Canada.
Ayon kay Pangulong Marcos, inatasan na ang mga foreign minister ng Pilipinas at Canada na bumuo ng isang Plan of Action upang maisulong ang mga napagkasunduang kooperasyon at higit pang mapalakas ang partnership ng dalawang bansa.
Anya, layunin ng Strategic Partnership na palakasin ang pagtutulungan ng Pilipinas at Canada sa harap ng nagbabagong pandaigdigang sitwasyon at mga magkatuwang na hamon.










