
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na ang Pilipinas ang may pinakamahal na singil sa kuryente sa mga bansang kasapi ng ASEAN nitong Hunyo.
Ayon sa DOE, umabot sa P12.43 kada kilowatt-hour ang presyo ng kuryente dahil sa kakulangan ng suplay at mataas na demand, lalo na sa Visayas.
Nagdulot din ng pagtaas ng presyo ang forced outage ng ilang malalaking power plant at sunod-sunod na yellow alert sa Visayas grid.
Samantala, muling nagpatupad ng dagdag-singil ang Meralco nitong Hulyo, dahilan upang tumaas pa ang kabuuang residential electricity rate.
Dahil dito, maaaring madagdagan ng humigit-kumulang P69 ang buwanang bayarin ng isang karaniwang kabahayang kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour.
-- ADVERTISEMENT --










