
Itinanggi ni Captain Rioklyn Toledo ang mga alegasyong nag-uugnay sa kaniya sa 521-kilong shabu shipment na nasabat sa Laos.
Ayon kay Toledo, humarap na siya sa Criminal Investigation and Detection Group at Philippine Drug Enforcement Agency upang linisin ang kaniyang pangalan.
Handa rin umano siyang makipagtulungan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sinabi ni Interior Sec. Jonvic Remulla, inatasan umano si Toledo kumuha ng sasakyang panghimpapawid mula Malaysia na gagamitin sa pagdadala ng ilegal na kargamento sa Pilipinas.
Samantala, ini-relieve na sa puwesto at inilagay sa restrictive custody mula Oktubre 13 ang pulis na si PEMS Aileen Mendoza ng Aviation Security Group.
-- ADVERTISEMENT --










