Umabot na sa ₱689 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa Southwest Monsoon o Habagat at mga nagdaang bagyo, ayon sa Department of Agriculture o DA.

Pinakamalaki sa mga naapektuhan ang palayan, na umabot sa ₱451 milyon ang pinsala.

Tinatayang 18,000 ektarya ng rice fields ang naapektuhan, kung saan nasa 15,500 ektarya ang bahagyang nasira at maaari pang makarekober.

Samantala, halos 3,000 ektarya naman ng palayan ang tuluyang napinsala.

Umabot din sa tinatayang ₱2 milyon ang pinsala sa livestock at poultry.

-- ADVERTISEMENT --

Pinakamalaki ang naitalang agricultural damage sa Pampanga na nasa ₱131 milyon, sinundan ng Nueva Ecija at Pangasinan.

Patuloy na nakararanas ng pagbaha ang ilang komunidad sa Luzon dahil sa Habagat at mga nagdaang bagyo, na nakaapekto rin sa mga paaralan at kabuhayan ng mga residente.