Humina ang halaga ng piso laban sa US dollar sa ikalawang sunod na araw ng trading, matapos magsara sa ₱62.78 kada isang dolyar nitong Lunes.

Mas mababa ito ng 3.1 sentimo kumpara sa ₱62.749 na closing rate noong Biyernes.

Ayon sa mga analyst, nakaapekto sa dolyar ang mga pahayag ng mga opisyal ng US Federal Reserve na nagpapahiwatig ng posibilidad ng mas mahigpit na monetary policy dahil sa mataas na inflation.

Samantala, bumaba rin ang Philippine Stock Exchange index o PSEi ng 12.12 puntos o 0.21%, para magsara sa 5,843.79.

Ayon sa RCBC chief economist na si Michael Ricafort, maaaring gumalaw ang palitan sa pagitan ng ₱62.65 at ₱62.85 kada dolyar sa Martes.

-- ADVERTISEMENT --