
Lumakas ang piso laban sa US dollar nitong Miyerkules matapos ang mas magandang employment data sa bansa.
Nagsara ang local currency sa P62.75 kada $1, bahagyang mas malakas kumpara sa P62.771 noong Martes.
Ayon sa isang ekonomista, nakatulong sa pag-angat ng piso ang pagbaba ng unemployment rate sa 5.3% noong Agosto, mula 6% noong Hulyo.
Bumaba rin sa 2.77 milyon ang bilang ng mga walang trabaho mula sa 3.14 milyon noong nakaraang buwan.
Inaasahan ding makatutulong sa piso ang pagtaas ng dollar inflows mula sa remittances ng mga OFW, exports, at iba pang dollar sales sa ikaapat na quarter.
-- ADVERTISEMENT --










