
Handa ang Philippine National Police (PNP) na tanggapin ang kustodiya ni Zaldy Co sa oras ng kanyang pagdating sa Pilipinas.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit na silang nakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs at iba pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa kinakailangang legal at diplomatic process kaugnay ng kanyang pagbabalik sa bansa.
Si Co ay naaresto sa Prague, Czech Republic.
Tiniyak ng PNP na isasagawa ang lahat ng proseso alinsunod sa umiiral na batas at naaayon sa due process kapag nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Co.









