Umaasa ang Philippine Olympic Committee (POC) na makapag-uwi ang Pilipinas ng walong gintong medalya sa 2026 Asian Games sa Japan.

Ayon kay POC President Abraham Tolentino, doble ito sa apat na gold medals na napanalunan ng bansa noong 2018 at 2023 Asian Games.

Inaasahan niyang makukuha ang apat na gold sa combat sports at apat naman sa non-combat sports.

Kabilang sa tinukoy na posibleng pagkukunan ng medalya ang jiu-jitsu, boxing, mixed martial arts, tennis, gymnastics, esports, swimming at skateboarding.

Kabilang sa mga atletang inaasahang magtatangkang magdagdag ng gold medals sina Alex Eala, Carlos Yulo at Karl Eldrew Yulo.

-- ADVERTISEMENT --

Magsisimula ang Asian Games sa Setyembre 19, habang unang sasabak ang Gilas Pilipinas sa kampanya ng bansa ngayong Biyernes.