
Inihayag ni Pope Leo na sasailalim siya sa operasyon ngayong linggo upang alisin ang maliit na bukol na nakita sa kaniyang baga sa isang kamakailang medical examination.
Ayon sa 71-anyos na Santo Papa, maagang natukoy ang bukol at nananatili ito sa isang limitadong bahagi ng baga. Hindi pa sinabi ng Vatican kung pinaghihinalaang cancerous ito.
Inirekomenda ng mga doktor ang operasyon, na inaasahang susundan ng halos isang linggong pagpapagaling.
Nagpaabot naman ng suporta at pagbati sa mabilis na paggaling ang Italian Prime Minister na si Giorgia Meloni.
Nahalal si Pope Leo bilang Santo Papa noong Mayo 2025. Nakatakda rin siyang bumisita sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6 hanggang 17.
-- ADVERTISEMENT --










